Naharang ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) noong nakaraang Enero 25 makaraang madiskubre sa records na isa pang tao na nagbiyahe gamit ang kanyang pangalan.
Sa ipinidalang report kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ng mga miyembro ng immigration protection and border enforcement section (I-Probes), sinabi niya na isang alias Olive, 33, ang nagtangkang umalis patungong Kingdom of Saudi Arabia (KSA) bilang isang OFW sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 1.
Sa pangunahing inspection officers nakita na may naitala sa record na isang alias Olive ang umalis bilang OFW noong 2015 at 2019, sa kabila ng unang biyahe nito patungo sa nasabing bansa.
Sa maingat na pagsusuri sa kanyang records lumabas na isa pang tao na gumagamit ng parehong identity at parehong detalye ang nagbiyahe na dati.
Ibinahagi naman nito na noong 2014, ay ni-recruit siya ng isang ahente sa Maguindanao, na kung saan ay pinalitan ang kanyang kapanganakan sa 1990 upang matupad nito ang 23 year old age requirement para sa household service workers (HSWs).
Inamin din niya na nagbayad siya ng P1,500 para sa kanyang bagong birth certificate, subalit hindi na natuloy.
Ipinadala na ang kaso sa Inter-Agency Council Against Trafficking na siyang mangangasiwa sa imbestigasyon kaugnay sa insidente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA