
TODAS ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng kalugar sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jesus Mancio Jr, alyas “Liit”, 49 ng Block 12 C Lot 15 Hiwas St Brgy. Longos.
Pinaghahanap naman ng mga pulis upang maaresto ang suspek na kinilalang si Edgar Garcia, nasa hustong gulang ng Block 48 corner Lapu-Lapu St. Brgy. Longos na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa report nina PSSg Diego Ngippol at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Kuyog Alley corner Lapu-Lapu St. Brgy. Longos.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente, tinawag ng suspek ang biktima mula sa kanilang bahay upang bawiin ang bisikleta na nakasanla sa kanya hanggang magkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa.
Kalaunan ay nalaman na lamang ng mga kaanak ng biktima na pinagbabaril ito at napatay sa naturang lugar. Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng caliber 9mm.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN