ARESTADO ng mga operatiba ng Navotas Police sa isinagawang buy-bust operation sa Tulay 1, Brgy. Daanghari, Navotas City si Mark Del Mondo.

ISANG obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga ang arestado matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.
Dakong alas-8:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng buy-bust operation laban sa suspek.
Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakuha sa kanya ang aabot sa 3.5 gramo ng shabu na nasa P23,800 ang halaga at buy-bust money.
More Stories
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes
“Tanim Buhay” ni Ate Sarah Discaya — Binhi ng Pag-asa para sa Bawat Pamilyang Pasigueño
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel