
SWAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang construction worker matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Marvin Hernandez, 32, construction worker, John Michael Bernas alyas “JM”, 18, kapwa ng Caloocan City at Armando Martin alyas “Totoy”, 44 ng Brgy. Potrero.
Ayon kay Col. Daro, dakong alas-7:00 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Santol Road., Brgy. Potrero, Malabon City.
Agad pinosasan ng mga operatiba sina Hernandez at Bernas matapos bintahan ng P500 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police poseur buyer, kasama si Martin na sinasabing bumili din ng droga sa dalawa.
Ani PMSg Randy Billedo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 7.3 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P49,640.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE