Makasasalang na si World No. 5 pole vaulter Ernest John Obiena sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.
Ito ay matapos suspindihin kahapon ng POC Executive Board ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Suspendido ng 90 araw ang PATAFA dahil sa kabiguang pangalagaan at suportahan ang kanilang mga atleta,. Lalo na nga sa usapin at lagay ni Obiena.
“Our constitution states that POC may suspend for any reason. However, it’s transparent that PATAFA has deliberately and intentionally disregarded our basic principles of promoting sports and development,” ani POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.
Ang suspension sa ahensiya ay ikakamada sa regular meeting ng POC General Assembly sa Marso 30.
Kapag naikasa na, mawawalan ito ng otoridad sa national athletics team na sasabak sa Vietnam SEA Games. mabibigyan naman ng tsansa si Obiena na makalahok. Lalo na ang pagdepensa ng title noong 2019 Manila edition.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo