Naniniwala si Asian Games gold medalist at World No. 2 pole vaulter EJ Obiena na may malaki siyang tyansa na magka-podium finish sa nalalapit na Paris Olympics.
Naniniwala ang atleta na mas malaki ang tyansa niya ngayong Olympics kumpara sa nakalipas na Olympics na ginanap sa Tokyo.
Bagaman mas malaki ang tiyansa, naniniwala ang pinakamagaling na pole vaulter sa buong Asya na mahaba-habang preparasyon pa ang kanyang pagdadaanan.
Marami pa aniya ang maraming posibleng mangyari, ngunit mahaba-haba pa ang paghahanda na maaari niyang gawin pa sa pinakamalaking sporting event sa buong mundo.
Mula noong Tokyo Olympics, marami nang record ang nagawang makuha at mabasag ng pinoy vaulter. Noong 2021, bago ang pagsisimula ng Olympics, una siyang nasa ika-anim na pwesto, ngunit umangat siya sa ikalawang pwesto ngayong 2023. RON TOLENTINO
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA