MAKIKILATIS ang kakayahan ng homegrown squads sa pakikipagtuos sa tatlong foreign teams sa National Youth Basketball League (NYBL) Philippines 1.0 Edition Invitational Youth Championships na lalarga mula Hulyo 10 hanggang 14 sa Lourdes School gymnasium sa Mandaluyong City.
Sinabi ni NYBL president Fernando ‘Butz’ Arimado na kumpirmadong kalahok ang koponan mula sa Dubai, Saudia Arabia at Mongolia para sa apat na araw na pocket tournament na magsisilbing pampagana para sa mas malaking torneo na ilalatag ng liga sa susunod na buwan.
May apat na bracket — 17-under, 15-under, 13-under at 11-under – ang paglalabanan.
“Parang pampagana lang muna ito at paghahanda na rin ng ating mga manlalaro para sa gagawin nating mas malaking tournament sa susunod na buwan,” ani Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ noong Huwebes sa PSC Conference Kuwarto sa loob ng sikat na Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
“Yung passion natin sa basketball at misyon nating matulungan ang mga Kabataang Pinoy na mabigyan ng pagkakataon na makalaro sa malaking liga ang motivation natin para ipagpatuloy ang NYBL at salamat naman sa Diyos ang maging sa abroad ay kinikilala na rin tayo,” sambit ni Arimado sa programa na suportado ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Kasama ni Arimado sa programa sina Pasig Mighty Juggernauts coaches Jayvee Roxas, Ryan Bautista at team owner Jillian Roxas; Antipolo Skip Basketball squad coach Cindrey Balignasay at NYBL marketing Director Donnah Dela Cruz.
“Ito ang paraan natin para matulungan ang mga kabataan sa ating barangay na mabuild yung kanilang character. Yung mailayo sila sa mga bisyo at makakuha ng scholarship through basketball ay malaking achievement na para sa aming organisasyon,” ayon kay Jillian Roxas.
Sinabi ni Roxas na ilan sa miyembro ng kanilang koponan ay mula sa De La Salle-Zobel dahilan para tagurian ang kanilang grupo na ‘team to beat’ tulad ng San Beda College.
“Yung amin kasing community may connection sa La Salle-Zobel in terms of students relationship, dahil ilan na rin sa mga players namin ang naging scholar sa eskwelahan,’ said coach Roxas.
Ang iba pang kalahok na koponan ay ang Montalban, Bataan, Extreme Defense, Siklab Bataan, RPBC, Tipas, at Locked-In. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY