November 1, 2024

NUMBER CODING SCHEME BALIK NA SA DATI

Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga ang kanyang unang Metro Manila Council meeting sa MMDA New building sa Pasig City. Tinalakay nila ang panukalang muling pagpapatupad ng pinalawak na number coding bilang paghahanda sa pagbubukas ng face to face classes sa Agosto 22. (KUHA NI ART TORRES)

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbabalik na ang tatlong oras na number coding scheme sa umaga simula sa Lunes, Agosto 15.

Ipapatupad ang coding simula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga habang sa hapon naman ay magsisimula ng alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.

Epektibo ito Lunes hanggang Biyernes, at maliban sa mga holiday.

Exempted sa scheme ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trash-collecting trucks, trak na may dalang produktong petrolyo, at mga sasakyang may mga nabubulok o mahahalagang gamit, ayon sa MMDA.

Ang pagbabalik ng pinalawak na scheme ng number coding ay ipatutupad kasabay nang paghahanda ng gobyerno sa pagbabalik-eskwela sa Agosto 22.