January 19, 2025

NUMBER CODING DIRETSO KAHIT HOLIDAY RUSH, TRANSPORT STRIKE

HINDI aalisin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme kahit mabigat ang daloy ng trapiko dulot ng holiday rush at nagpapatuloy na transport strike ng mga grupo.

Ayon kay MMDA Aassistant General Manager for Operations David Vargas, nanatiling “manageable” ng sitwasyon sa trapiko.

“Wala pang abiso ang ahensiya pero personally, hindi na ho tayo magsu-suspend ng number coding dahil manageable naman ang traffic,” saad niya. Ipinatutupad ang number coding simula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.Matatandaang inilunsad ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) at Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) ang tigil-pasada nitong Lunes, Disyembre 18 bilang pagtutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.Ikinatwiran ng mga transport group, tinututulan nila ang December 31, 2023 deadline ng gobyerno upang maisuko ng mga PUV operator ang kanilang individual franchise at tuluyang magsama-sama sa mga kooperatiba.

Ang nationwide transport strike ay tatagal hanggang Disyembre 29.