November 23, 2024

Number ’23 jerseys nina Jordan, Obama at LeBron, nagtala ng world record sa auction

Nagtala ng world records sa Julien’s Auctions ang ilang jersey na isinuot ng mga sports icons. Kabilang dito ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan.

Gayundin ang kay former US President Barack Obama at NFL quarterback Colin Kaepernick.

Naging tampok na atraksyon din sa auction ang jersers ni Los Angeles Lakers star LeBron James. Ang auction ay tumagal ng apat na araw.

Ang 1984 ‘signing day’ number 23 jersey ng former Chicago Bulls icon ay pumapalo sa $320,000.

Nagtala ito ng record sale price sa kahit anong jersey na isinuot ng 5-time NBA Most Valuable Player. Gayundin ng 14-time NBA All-Star playmaker.

Ang previous record ng halaga nang naibentang jersey ni Jordan ay nagkakahalaga ng $288,000. Naibenta ito noong nakaraang July. Ang nasabing jersey ay isinuot ni Jordan noong 1998 Eastern Conference finals laban sa Indiana Pacers.

Ang naibenta namang number 23 jersey na isinuot ni Obama sa kanyang senior year sa Punahou School. Kung saan member siya ng 1979 Hawaii state champion squad ay umabot sa $192,000. Isa itong record price sa kahit anong high school jersey.

Ang uniporme naman ni James na isinuot noong 2003-2004 Cleveland Cavaliers season ay umabot sa $128,000. Sumatotal, umabot sa $640,000 ang halaga ng trio number ‘23’ jersey.