Naghain ng petisyon ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Supreme Court kaugnay sa Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020. Nais ng grupo na i-review ng Supreme Court ang desisyon ng lower court o certiorari. Gayundin ang pagwawalang bisa ng nasabing batas.
Kabilang sa mga journalists na nagtungo sa Supreme Court sina Rappler journalists led by Glenda Gloria, Ces Oreña Drilon (ABS-CBN), members of the Concerned Artists of the Philippines na pinamumunuan ni chairman Neil Doloricon at chairman emeritus and National Artist Bienvenido Lumbera. Sumama rin ang ibang journalist sa petisyon, mga artists at cultural workers.
Anila, ang nasabing batas ay sumisikil sa human rights at freedom of expression. Hindi rin anila naaayon ito sa Saligang Batas.
Bagama’t sinasabi ng kinauukulan na proproteksyunan ang taumbayan sa pang-aabuso sa batas, nangangamba sila na baka hindi rin ito matupad.
Maliwanag anila na ang Terror Law ay banta sa demokrasya. Kaya dapat lang aniyang ipaglaban at hadlangan ang batas upang patuloy pang madama ng mga Pilipino ang ganap na kalayaan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA