CLARK FREEPORT – Inilunsad kamakailan lang ng The Medical City (TMC) Clark ang kanilang Nuclear Medicine and Molecular Imaging Center kung saan mayroon itong mga bagong serbisyo tulad ng PET-CT Scan, Radionuclide Therapy, Radioimmunoassay (RIA), at Bone Densitometry.
Ang Julius K. Quiambao Nuclear Medicine and Molecular Imaging Center ay kauna-unahan sa Central at Northern Luzon at nakikitang higit na mapagtitibay sa maayos na treatment at pangangalaga sa mga pasyente na nagkaroon ng cancer.
Ang ISO Certified na ospital na may Nuclear Medicine at Molecular Imaging Center, na nag-aalok ng mga pagsusuri at pamamaraan ay gumagamit ng mga radioactive tracer o radiopharmaceutical para sa imaging at treatment ng mga benign at malignant diseases.
Sa naturang aktibidad, nagpahayag ng suporta si Clark Development Corporation (CDC) President and CEO Manuel R. Gaerlan para sa pagbubukas ng center.
“This Nuclear Medicine Center will not only serve patients from Clark Freeport and Special Economic Zones and Pampanga but also other parts of Luzon. Having this facility shows the advancement of technology and with it comes better care for patients. It also manifests how equipped TMC Clark is amidst the global health crisis that we are dealing with right now,” wika niya.
Ipinaabot din ni Gaerlan ang kanyang pabati sa pamunuan ng TMC Clark na siyang naging saksi sa nasabing event.
“I would like to congratulate the President and CEO of TMC Enterprise, Dr. Eugene Ramos and Chairman of the Board, Mr. Xavier Gonzales, the whole TMC Clark team, especially the diligent frontliners that provide an abundance of care and support to the patients,” dagdag niya.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI