BATID man ng College of St.Catherine Wildcats ang bangis ng kalabang San Pedro College of Business Administration,di naman ito nagpatinag upang maitakas ang panalo,77-74 sa unang araw ng kanilang pagsabak sa National Universities and Colleges Athletic Association elimination.
Naging dikdikan ang bakbakan mula simula kung saan halos sa buong laban ay di nagkahiwalayan ang magkabilang panig upang saklitin ang asam na panalo.
Kumawala ang Wildcats sa huling tatlong minuto pero naitabla ng Tigers ang score sa dying seconds bago ang pamatay na dagger trey ni shooter Ian Talucad para sa isang buzzer – beater na panalo ng bagitong CSCQC.
” Close shave! Sumasali rin kami sa ibang liga, puro dikit ang laban at ngayon lang kami nakatikim ng naibiting victory at dito pa sa NUCAA.Sana tuluy-tuloy na ‘to,” sambit ni Wildcats coach Max Encila.
Makulay at festive ang tradisyunal na pambungad seremonya ng liga sa pamumuno ni chairman Carmelo Arcilla katuwang ang co- officers na sina Ding Andres,Mon Padiz,Ato Tolentino,Red Dumuk,Arlene Rodriguez,Bang Tumapat Atty Joanna Fabella at comissioner Jun da Jose.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON