
Nagreyna ang National University (NU) Lady Bullpups sa idinaos na torneo sa Malay, Aklan. Sa kabila nang di nakapalo sa loob ng 2 taon, dinomina nila ang ‘VolleyPrep tilt.
Bitbit ang pangalan ng Boysen Paint Masters, winalis ng Lady Bullpups ang kanilang mga katunggali. Itinanghal na Most Valuable Player ng torneo si Vange Alinsug.
Kasama niya naman sa team sina Leoranne Santiago at Kaila Olango. Gayundin si Shaira Jardio at ang incoming rookie na si Myrtle Escanlar. Ginabayan naman ang team ni dating UST Golden Tigresses assistant coach Vilet Ponce de Leon.Si de Leon ay naging coach din ng Foton at siya ngayong bagong mentor ng Bullpups.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND