
Nakaalpas ang NU Bulldogs (1-0) sa isang crucial game kontra Adamsom Falcons (0-1) sa UAAP Season 84 Opening. Sinakmal nito ang Soaring Falcons, 71-69 sa closed-door game sa MOA Arena.
Malaki ang nagawa ni rookie Jake Figueroa at big man Issa Gaye sa laro.
Nairatak ng NU ang 71-67 lead sa jumper ni Figueroa at put-back ni Gaye. May less than 50 seconds na lang ang lalalabi sa game clock.
Naisalpak naman ni Jerome Lastimosa ang free throw para sa Adamson, 71-69. May tsansa pa sanang maitakas ng Falcons ang laban.
Pero, nagmintis si Lastimosa sa threes at nakuha ni Tricky Peromingan ang rebound. May kasama pa itong foul. Subalit, hindi na naibuslo ang free throws.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76