September 20, 2024

NU BULLDOGS RERESBAK SA LBP 2ND CONFERENCE

MASUSUBUKAN ang mga bagong recruit na Bulldogs sa muling paglahok ng National University sa second conference ng Liga Baseball Philippines (LBP) na papalo sa daratingB na Nobyembre ng taon.

Ayon kay Bulldogs head coach, misyon ng koponan na makabalikwas sa LBP na umabot sa semis noong nakaraang  Tingzon Cup.
 
Ang UAAP last season baseball champion NU na magdedepensa ng titulo sa next season ay nagsagawa ng recruitment partikular sa Palarong Pambansa at iba pang mga liga sa lalawigan.

“Hopefully mas lumakas pa ang team dahil sa mga new recruits na nakuha namin,” wika ni  Landicho.

Ang LBP ay inorganisa nina Chairman Wopsy Zamora, President Pepe Munoz at Executive Director Boy Tingzon.

“Matagumpay ang ating maiden conference kaya masusundan agad ito at ang magandang balita ay madadagdagan ang koponang kalahok mula sa orihinal na 8 teams “, pahayag ni businessman/ sportsman Zamora.

Ang Itakura Parts Philippines Corporation( IPPC) ni Japanese national Philippine-based Kunifumi Itakura ang nagkampeon sa 1st LBP Tingzon Cup.

“Nasa tamang direksyon ang LBP that started in the right footing kaya expect na natin ang pagbabalik ng baseball fans sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila,” ani naman Muñoz. (DANNY SIMON)