Mariing dinipensahan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang development program nito para sa mga sundalo na namatay sa pakikipaglaban sa rebeldeng New People’s Army, gayundin sa mga sibilyan na biktima ng ilang dekadang insurgency.
“Ide-dedicate ko ito sa kanila at sa ating mga kababayan doon sa kabundukan na matagal nang nagnanais na mapansin ng ating gobyerno. ‘Yun ang aking desire,” saad ng senador.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Dela Rosa na nais niyang wakasan ang problema sa insurgency, dahil marami ang nagdurusa na mga tao sa mga komunidad at barangay sa kabundukan dahil sa ilang dekada nang kapabayaan ng gobyerno, na sinasamantala ng NPA para gawin silang kasapi ng komunistang grupo.
“Decades of neglect. At ito (NTF-ELCAC) na ngayon ang solusyon ng problema na ‘yan. Hindi bala at baril kundi proyekto, social services. Kasi, sabi nga natin, kahit na patayin mo man ‘yung last na rebelde ng NPA, kung hindi mo mapatay ‘yung rason, ‘yung root-cause ng insurgency, which is kapabayaan ng gobyerno, hindi pa rin matapos ang insurgency. Meron at meron pa ring magrerebelde,” sambit niya.
Ayon kay Dela Rosa, ang NTF-ELCAC ay isang game-changer sa anti-insurgency campaign, kung saan nabanggit niya ang tagumpay nito katulad ng pagbuwag sa maraming guerilla fronts at pinasukong NPA commander.
“So ito, na ngayon ang solusyon. This is the game-changer sa ating problema sa insurgency at nakita natin, ang daming mga guerilla fronts na nawasak, nagiba, nawala na at maraming nag-surrender. Andaming mga commander na napatay, nahuli dahil nga dito sa NTF-ELCAC,” sambit niya.
Sa nakaraang panayam, sinabi ni Dela Rosa na malaya at stable na ngayon na namumuhay ang mga residente ng mga barangay na matatagpuan sa kabundukan mula sa kamay ng mga NPA dahil sa NTF-ELCAC projects tulad ng barangay roads, health center, potable water at electricity supplies at iba pang social services.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna