April 5, 2025

NSC NAALARMA SA PAGKAKAARESTO SA 3 PINOY SA CHINA NA INAKUSAHANG ESPIYA

NAALARMA ang National Security Council (NSC) kaugnay sa pagkakaaresto sa tatlong Pinoy matapos akusahang nag-eespiya sa China.

Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, kuwestiyonable ang inilabas na video ng Chinese media sa umano’y pag-amin ng tatlong Pilipino sa kanilang paniniktik sa China dahil tila scripted ito at sapilitang pinaamin ang tatlong Pilipino.

Tinukoy ni Malaya ang paggamit ng tatlong Pilipino ng “Philippine Intelligence Agency” at “Philippine Spy Intelligence Services” dahil walang ganitong ahensiya ang Pilipinas.

Tinukoy ni Malaya ang paggamit ng tatlong Pilipino ng “Philippine Intelligence Agency” at “Philippine Spy Intelligence Services” dahil walang ganitong ahensiya ang Pilipinas.

“The “confessions” appear to be scripted, strongly suggesting that they were not made freely,” ani Malaya.

Naniniwala si Malay na ganti ito ng China sa serye ng pag-aresto ng mga awtoridad ng mga Chinese spy kasama ang mga kasabwat sa bansa.

Binigyang-diin ni Malaya na ang inarestong tatlong Pilipino sa China ay mga dating recipient ng Hainan Government Scholarship Program sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng lalawigan ng Hainan at Palawan para mag-aral sa Hainan National University kasama ang 47 na iba pang Pilipino.

Sinabi ni Malaya na ang mga inarestong Pinoy ay mga ordinaryong Pilipino na walang military training at inimbitahan lamang sa China para mag-aral. Walang criminal record at masusing sinala ng Chinese government bago pa man dumating ang mga ito sa China.

Makikipag-ugnayan aniya ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Philippine Embassy sa Beijing upang masigurong makatanggap ang mga ito ng angkop na legal na suporta at due process sa kasong kinakaharap ng mga ito.

“We urge the Chinese government to respect their rights and afford them every opportunity to clear their names in the same way that the rights of Chinese nationals are respected here in the Philippines,” dagdag ni Malaya