OPISYAL nang idineklara ng Occidental Mindoro’s Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict bilang persona non-grata ang Communist Party of the Philippines at ang New People’s Army sa pamamagitan ng Provincial Council’s Resolution Number 159.
Pormal na nilagdaan ang dokumento ni Gov. Eduardo Gadiano noong Martes kabilang ang Resolution Number 171 na nagpapahintulot sa kanya na magsagawa ng “Local Peace Engagement” kasama ang mga komunistang mga grupo.
“The resolutions are tangible proof of our citizens’ collective desire and yearning for the much coveted and deserved peace, prosperity and development the attainment of which was hindered by the more than five decades of insurgency across our country,” ayon sa gobernador.
Kabilang sa highlights ng isinagawang event sa Office of the Provincial Governor sa San Jose ang pagbibigay ng tseke na bahagi ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng pamahalaan sa isang dating rebelde na kamakailan lang ay sumuko sa security forces.
“The local government of Occidental Mindoro will be unrelenting in propagating and supporting President Duterte’s call for national healing and reconciliation because we believe that our time to move forward as one people has finally come”, pagwawakas ni Gov. Gadiano.
Kinilala ng militar ang dating rebelde na si alyas Jun, isang miyembro ng komunistang grupo.
Pinuri naman ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Commander ng Philippine Army’s 2nd Infantry Division ang kahanga-hangang nitong pananalig upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan para sa kanyang nasasakupan.
“Applying the finishing touches to this insurgency is a very challenging task which is made easier by the political will and cooperation of our elected leaders at all levels of the government” which, ayon Maj Gen Burgos
“We hope will be replicated in other parts of our country so that the Filipino people may be able to finally live the lives that we truly deserve,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa kanya na, “every letter in the resolution declaring the NPAs as persona non-grata is a collective proclamation of our people who have gotten tired of these terrorists’ abuses” while adding that “the enemy of the state’s eventual demise is near since they are running out of space to evade our forces who are slowly but surely closing in on their few remaining fighters.”
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, tiniyak niya sa publiko na ang kasundaluhan ay mananatiling matatag na gampanan ang kanilang mandato bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan, tagapaglingkod ng bayan at tagapagtanggol ng Southern Tagalog.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM