November 24, 2024

NPA NA PUMATAY SA MAG-AAMANG VENDOR, TUTUGISIN NG PNP

INATASAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief  Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang Police Regional Office 5 na agad magsagawa ng manhunt operations laban sa mga kasapi ng teroristang New Peoples Army (NPA) na responsable sa pamamaslang sa tatlong vendors sa Brgy Miabas sa Palanas, Masbate nuon nakaraang sabado o August 14, 2021.

Kinilala ang mga biktima na  sina Jose Lalaguna, 51, Joey Lalaguna, 30 at si Jestoni Lalaguna, 22 taon gulang at dalawa pang mga hindi pinangalanan na bikima na nakaligtas matapos na makatakas na pawang mga nagtitinda ng salamin, floormats at mga speakers.

Base sa salaysay ng dalawang nakatakas na biktima sa mga otoridad sakay sila ng kanilang mga motorsiklo ang mga biktima ng harangin sila ng hindi bababa sa dalawampu katao na mga hinihinalang miyembro ng nabanggit na teroristang grupo.

Kinaladkad umano ng mga suspek ang tatlong biktima at dinala magubat na lugar at pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga terorista.

Sinabi naman ni PGen. Eleazar na “We will closely coordinate our manhunt operations with the military and intensify our presence in the area to ensure the safety of other innocent civilians that the communist rebels may target for attacks.,”

Ayon pa sa PNP Chief ay nakikipag-ugnayan na ang mga pulis sa mga militar para masiguro na mahuhuli ang mga rebelde at mapapanagot ang mga ito sa ginawang mga kasalanan.

Kinondena rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ng mga rebeldeng terorista at sinabing ito ay maliwanag na paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) at Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.

Nanawagan naman si PGen. Eleazar, sa mga residente sa lugar ng pinangyarihan na agad makipag-ugnayan sa mga otoridad kung mayroon silang impormasyon o mga nakikitang presensyatng mga rebeldeng NPA sa kanilang lugar para agad mapigilan ng mga sundalo at pulis ang mga gagawing posibleng pag atake ng mga teroristang grupo. (KOI HIPOLITO)