Patay ang isang notoryus na miyembro ng Abu Sayaff group na gumagawa ng mga bomba matapos na manlaban sa mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng Basilan Intelligence Team (PIT) at ng Sulu Provincial Intelligence Team (PIT), Regional Intelligence Unit (RIU9), PNP Intelligence Group (IG), 5th Special Action Brigade, PNP-Special Action Force (SAF), CIDG-Basilan Provincial Force Unit, Regional Intelligence Division Police Regional Office of Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), Provincial Intellgence Unit, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, at Mohammad Ajul Municipal Police Station, Basilan Provincial Police Office (PPO), Regional Mobile Force Unit (RMU-9), AKG MFU, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at ng mga tropa ng Philippine Army (PA) na mga maghahain ng arrest warrant sa suspek noong madaling araw ng Sabado sa pinagtataguan nitong lugar sa nabanggit na bayan.
Personal na kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar, ang napatay na suspek na si Aroy Ittot alyas “Oroy” nasa hustong gulang at sinasabing miyembro rin ng Dawlah Islamiya (DI-ASG) at trusted Bomb Maker ng napatay na si Abu Sayaff Group Sub Leader, Furuji Indama na kilala sa kanyang malawakang pagsasagwa ng terorismo at dating napatay din sa isang police operation.
Base sa ulat ni PNP Intelligence Group Director PBGen. Warren Deleon sa opisina ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, bitbit ng mga naturang otoridad ang isa arrest warrant para sa kasong murder na inisyu ni Presiding Judge Leo Jay Principe, ng Regional Trial Court (RTC-9), Branch 1 ng Isabela City sa Basilan, upang isilbi sa suspek ng bigla na lamang magpaputok ito ng M16 na baril ang suspek na si alyas “Oroy”, kaya’t napilitan naman gumanti ng putok ang mga pulis at sundalo na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.
Narekober sa lugar ng crime scene ang mga sumusunod; isang unit ng M16 riffle na meron serial number RP195453, isang unit ng M14 riffle na meron serial number na 175541, apat na pirasong Magazine ng M16 riffle, limang pirasong M14 Magazines, apat na pirasong Grenade Riffles M76, tatlong Grendade Riffles M75, 1.5 Liters ng ANFO na pinaniniwalaang gamit sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED), isang basyo ng bala para sa M16 na baril, Bandoliers at mga cellular phones.
Sinabi rin ni Eleazar, na si Oroy ay sangkot sa harassment incident sa grupo ni Mayor Ibrahin Ballaho, ng Mohammad Ajul, Basilan habang nagsasagawa ang mga ito ng community service sa bayan ng Tuburan.
Sangkot din umano ang suspek sa pagsunog at pambobomba sa Barangay Colonia, Lamitan City, at mga iba pang road sides bombing sa nasabing probinsya kasama ang iba pang mga Local ASG bombers.
Paliwanag pa ni Eleazar, “The fight against terrorism, insurgency, and transnational crimes is becoming more complex but the PNP stays in control to stamp out this challenge which is one of the operational thrusts under the PNP’s Intensified Cleanliness Policy. Rest assured that we remain steadfast in enhancing our operational capability to keep our citizens safe from crime and terrorism.”(KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY