November 5, 2024

NOTORYUS NA GANGSTER SA INDIA, NADAKMA SA PARAÑAQUE

PARAÑAQUE CITY– Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration ang isang Indian national na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa mga kinakaharap na criminal cases.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ang 48-anyos na si Suresh Bassapa Pujari noong Huwebes ng hapon sa kahabaan ng Soledad Ave., Parañaque City.

Overstaying na aniya ang dayuhan at isa nang undocumented alien matapos mapaso ang Indian passport nito noong 2019.

Dumating sa Pilipinas si Pujari noong 2016 para pagtaguan ang mga kaso.

Mayroon ding inilabas na Interpol red notice laban sa pugante noong December 2016 dahil sa dalawang arrest warrants na inilabas ng korte sa India laban sa kanya.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, isang notoryus na gangster si Pujari sa Bombay at Mumbai, India. Sa ngayon, nakakulong si Pujari sa BI warden facility Sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito