November 24, 2024

NORTH KOREA, SUSPENDIDO, TSUPI SA WINTER OLYMPICS

Dahil sa hindi pagsali sa 2020 Tokyo Olympics, sinuspendi ng International Olympic Committee (IOC) ang North Korea. Dahil dito, hindi papayagang maglaro ang nasabing bansa sa winter Olympics na idaraos sa Beijing, China.

Pinagtibay ang pagpataw ng parusa sa NoKor sa isinagawang pulong ng committee. Sinabi ng South Korea na ang dahilan ay ayaw ng bansa na tumaas ang kaso ng COVID-19. Ayaw nilang ipagsapalaran ang kanilang delegado nab aka mahawa ng virus.

Ayon kay IOC chief Thomas Bach, mapapaso lamang ang inilapat na suspension bago matapos ang taong 2022.