December 25, 2024

NORIKO OHARA O NOBITA NG ‘DORAEMON’ PUMANAW SA EDAD NA 88

PUMANAW na ang kilalang voice artist na si Noriko Ohara, na siyang nagbigay-buhay sa karakter na si Nobita sa sikat na Japanese anime na “Doraemon.”

Ayon sa 81 Produce, namatay ang voice actress noong Hulyo 12 habang nagpapagaling sa kanyang sakit. Gayunpaman, walang nabanggit ang ahensiya kung anong sakit ang ikinamatay nito.

Ibinalita rin ang kanyang pagpanaw sa kanyang official X account.

Si Ohara ang boses sa likod ni Nobita sa 1979 TV run ng Doraemon, gayundin sa 2015 spin-off film, Doraemon: Nobita’s Great Adventure in the South Seas.

Unang inilathala ang Doraemon manga noong 1969. Ito’y sinundan ng Doraemon, isang robotic cat mula sa hinaharap na ipinadala sa nakaraan upang tulungan ang bantang lalaki na si Nobita.

Unang umere ang naturang anime noong 1973 hanggang sa magtuloy-tuloy. Ang pinaka-latest ditto ay ang 2024 animated film na Doraemon the Movie: Nobita’s Earth Symphony.