KAYA pala hindi pinili ng Metro Manila Film Festival ang movie na ‘Pieta’ ni Nora Aunor, dahil kung nakapasok ito ay tiyak na hindi mananalong Best Actress si Vilma Santos. Grabe ang pabor na ginawa ng MMFF kay Vilma, halatang-halata.
“Lutang na lutang sa husay ang acting ni Nora Aunor, kering-keri niya ang role ng ina na may sakit na dementia.
“Pero ang isa sa highlight ng movie na ‘Pieta,’ ay nang muling umawit si Nora Aunor. Ikinatuwa ito ng mga fans ni Nora Aunor, ang muli niyang pag-awit.
“Damang-dama ng mga Noranians ang pagka-miss nila sa kanilang idolo na muling makaawit, at naganap nga iyon at ang kanyang inawit ay ang folk song na ‘Atin Cu Pung Singsing’ sa movie niyang ‘Pieta.’
“Matagal nang hindi makakanta ang Superstar, dahil nga nagkaroon siya ng malaking problema sa kanyang boses. Pero sa ‘Pieta,’ ay muli nilang narinig ang golden voice ni Nora Aunor.
“At ang isa pa sa highlight ng pelikulang ‘Pieta,’ ay nang magkasama-sama sina Nora, Gina, Jacklyn at Alfred. Na isang eksenang nagpatalbugan sila sa isa’t isa, kaya iyon ngayon ang inaabangan kung sino sa kanila ang lumutang sa nasabing reksena?” patotoo iyan ng aking source.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan