ISA na namang achievement ang pelikulang ‘Henerala Salud,’ para sa ating Superstar na si Nora Aunor. At pumayag nang gawin ni Ms. Aunor ang nasabing pelikula dahil project ito ng Tanghalang Pilipino na handang tulungan ni Nora.
Naiibang klase ang pelikulang ‘Henerala Salud,’ dahil tungkol ito sa isang ‘Binibining Mandirigma’ na isang beauty queen na naging rebelde. Si Salud Alegre aka ‘Henarala Salud’ ay isang Filipino freedom fighter na may lupain sa Cabuyao, Laguna. Humantong ang kanilang sakdalista o pag-aalsa laban sa mga amerikano ng taong May 2, 1935. Iyan ang tunay na pakikibaka ni Salud Alegre, na bibigyan ng buhay ni Nora Aunor.
Excited na raw gawin ni Nora ang pelikula, at ayon pa sa kanya: “Sa palagay ko po, napapanahon ang ‘Henerala Salud’ kasi kailangan po natin, lalo na ang mga kababaihan, na magbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan—lalo na para sa mga kabataan. Kailangang kilalanin at tularan nila ang ating mga bayani na malalim ang pagmamahal sa bayan, lalo na po sa mga mahihirap.
“Isa pa po, matagal ko na pong pinangarap na magkaroon at makagawa ng ganitong klaseng proyekto at sobrang nerbyos ko—at sobrang excited po ako na matuloy ito,” salaysay pa ni Ms. Nora Aunor.
Kung matutuloy ang nasabing pelikula, tiyak na next year na ito magagawa ni Nora. At tiyak na hahakot na naman ito nang karangalan para kanya.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?
JOJO NONES KAY JINGGOY ESTRADA: SORRY