Kasado na ang upakan nina Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire at John Riel Casimero sa Agosto. Kaugnay dito, sinabi ni Donaire na ibibigay niya ang lahat para madaig si ‘Quadro Alas’.
Sa kabila na magkababayan sila, iuupak ni Donaire ang matikas na knockout win. Aniya, walang personalan, trabaho lang ang pagtatapat nila sa lona.
Si Donaire ay current World Boxing Council (WBC) bantamweight champion. Habang si Casimero naman ay World Boxing Organization (WBO) champ.
Giit ni Donaire, alam niya ang kalidad ni Casimero bilang boxer. Hindi niya minamaliit ito. Kaya, dapat mag-ingat din siya sa laban.
“I know he’s a tough guy but I know I have the capability of knocking out anybody,” ani Donaire sa panayam ng FightHype. Target ni Donaire na maipanalo ang laban upang maikasa ang rematch kay Japanese pound-4- pound fighter Naoya Inoue.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na