Nagpositibo sa COVID-19 si Nonito Donaire Jr sa isinagawang test sa kanya. Kaya naman, binaklas ang Fil-AM boxer sa main event ng Showtime Boxing’s Event sa Disyembre 19 sa Mohegan Sun Arena sa Uncaville, Connecticut.
Si Donaire sana ang mandatory challenger para sa 118-pound belt ng WBC. Kung saan, haharap sana ito sa kampeon na si Nordine Oubaali.
Subalit, lumabas na nagpositibo rin sa Coronavirus ang Frencman na so Oubaali.
Sa ulat ng Boxing Scene, papalitan si Donaire (40-6, 26 KO’s) ni compatriot Reymart Gaballo (23-0, 20 Ko’s). Makakatapat ni Gaballo si Emmanuel Rodriguez (19-1,12 KO’s) sa laban.
Wala namang balita kung ang laban ng dalawa ay para sa WBC World Bantamweight Championship.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT