Sa edad na 38-anyos, di pa kumukupas si Nonito Donaire Jr. at muling naging world champion. Nagtala ng history si Donaire nang talunin si unbeaten Nordine Oubaali via knockout.
Namangha ang mga miron sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California sa ipinamaas nito.
Kaya naman, nahablot nito World Boxing Council World Bantamweight Championship. Tinapos ng tinaguriang ‘The Filipino Flash’ si Oubaali sa fourth round.
Isang left hook ang tumama sa champion sa 1:14 kanto dahilan upang tumumba ito. Hindi na nakaporma si Oubaali. Kung kaya, itinigil na ni referee Jack Reiss ang laban.
Dahil sa panalo, nilampasan ni Donaire ang record ni Gerry Penelosa sa bantamweight division.
“I believe that it matters not what your age is, it matters how you are mentally, how strong you are mentally,” ani Donaire
Hawak ni Penalosa ang oldest bantamweight world record nang talunin si Jhonny Gonzales noong August 2007. Kung saan, nahablot nito ang WBO title belt.
Si Donaire ngayon ay may hawak na 41-6 record at itinala ang ika-27 career knockout.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY