Simula sa Martes, Pebrero 1, hindi na oobligahin ang mga pasahero na magpakita ng vaccination card para makasakay sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila, ayon sa isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr).
Sabi ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, awtomatikong aalisin ang “no vaccination, no ride” policy ng DOTr kapag isinailalim na sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR).
“Once we de-escalate to Alert Level 2, the no vaxx, no ride policy shall automatically be lifted,” pagtiyak ni Libiran sa mga reporter.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ianunsyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Linggo na ibabalik na sa Alert Level 2 ang NCR at pito pang lalawigan simula sa Pebrero 1 hanggang 15.
Sinimulang ipatupad ng DOTr ang “no vax, no ride” policy noong Enero 17 upang maobliga ang mga hindi pa bakunado na magpaturok kontra COVID-19.
Gayunman, umani ito ng kritisismo sa mga mananakay gayundin sa mga senador kaya napilitang magpaliwanag si Labor Secretary Silvestre Bello III na exempted ang mga worker sa nasabing policy.
Makalipas ang ilang araw, tumiklop din si Bello nang katigan nito ang posisyon nina Interior Secretary Eduardo Año at Transportation Secretary Art Tugade na fully vaccinated lang dapat ang sumakay sa mga public transportation pero binigyan ng 30 araw ang mga hindi bakunado para magpabakuna.
“Within the 30-day window, partially vaccinated workers are still allowed to board public transportation,” ayon sa joint statement ng tatlo. BOY LLAMAS
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA