January 13, 2025

‘NO VAX, NO RIDE’ POLICY SA METRO MANILA, UMPISA NA

SINIMULAN na ngayong araw, Enero 17, ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ‘no vaccination, no ride” policy sa public transportation sa Metro Manila upang higit pang higpitan ang galaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Tanging mga fully vaccinated lamang ang maaring sumakay sa pampublikong transportasyon basta’t ipakita lamang ang kanilang vaccination card at isang valid o government-issued identification card.

“According to [Secretary Arthur] Tugade, implementation of the ‘No Vaxx, No Ride’ policy must be tolerant and patient, but firm,” saad ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Exempted sa polisya ang mga pasahero na may medical conditions, mga kukuha o maghahatid ng essential goods at services; at ang mga magtutungo sa inoculation sites para magpabakuna.