January 23, 2025

‘NO VACCINATION, NO WORK’ POLICY ILEGAL – DOLE

TINAWAG ng Department of Labor and Employment na ilegal ang “no vaccination, no work’ policy na balak ipatupad ng ilang kompanya o employer.

“It is not legal for employers to require the employee to be vaccinated (against COVID-19) before they can enter the workplace. There’s no legal basis for that,”  saad ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang virtual press briefing.

Nilinaw ni Bello na hindi maaring pilitin ang mga manggagawa na magpaturok ng COVID-19 vaccine kung ayaw ng mga ito.

Ang “no vaccine, no work” policy na ito ay maituturing din aniya bilang uri ng “discrimination.”

Bukod dito, tinukoy din ng kalihim na hindi pa sapat ang supply sa COVID-19 vaccines ng bansa para mabakunahan ang mga manggagawang Pilipino. Nauna ang sinabi ng Associated Labor Union na may natatanggap silang reklamo hinggil sa “no vaccine, no work” policy mula sa mga manggagawa sa agriculture, manufacturing at services sector.