Inanunsiyo ng Department of Transporation (DOTr) ngayong araw ang “no vaccination, no ride” policy sa Metro Manila.
Ibig sabihin, pinagbabawalan ang mga hindi bakunadong pasahero na gumamit ng public transporation habang nasa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas pa ang National Capital Region, sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19.
Nakasaad sa Department Order No. 2022-001 na may petsang Enero 11 at inilabas ngayong araw na ang public transport via land, rail, sea at air ay limitado lamang sa fully vaccinated indibiduals.
Kikilalanin lang na fully-vaccinated ang isang tao matapos ang dalawang linggo matapos makakumpleto ng “primary series” ng bakuna laban sa COVID-19. Kabilang din dito ang mga pasahero na nakatanggap ng single-dose na Johnson & Jhonson Janssen vaccine.
Maaring ipakita ng mga pasahero ang kanilang physical o digital copies ng vaccine card na inisyu ng local government unit o vaccine certificate na ibinigay ng Department of Health o anumang dokumentong itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF), gayundin ang valid government-issued ID na may larawan at address.
Exempted naman sa no vaccination, no ride policy ang mga indibidwal na may medikal na kondisyon na may dalang medical certificate na nilagdaan ng doktor, mga taong bibili ng essential goods na may dalang inisyu na barangay health pass.
Magiging epektibo ang Department Order sa mga pampublikong transportasyon matapos itong mailathala sa Official Gazette o ng mga pahayagan sa general circulation, at ang pagsumite ng kopya sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY