
Kahit wala si Joel Embiid, nagawang katayin ng Philadelphia 76ers ang Memphis Grizzlies, 122-119. Bumuslo ng 64 points combination sina Tobias Harris at Tyrese Maxey sa panalo ng 76ers.
Gumawa si Harris ng 29 points at 5 assists. Habang 27 points naman ang inambag ni Maxey. Si Jah Morant naman ay kumana ng 37 points at 5 assists sa Memphis.
Samantala, bumida naman si Jaylen Brown sa pagpilay ng Boston Celtics sa Miami Heat, 122-92. Kumana si Brown ng 29 points at 4 boards. Nag-ambag naman si Jayson Tatum ng 20 points at 12 boards.
Ginarote naman ng Cleveland Cavaliers ang New Orleans Pelicans, 93-90. Bumida sa panalo ng Cavs si Brandon Goodwin na nagtala ng 21 points.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT