MAGMULA sa Lunes, kinakailangan nang magsuot face shield ang mga police personnel at mga bisita sa National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP deputy chief for Administration, mananatili din ang pagpapatupad ng curfew sa loob ng Camp Crame simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga maliban sa mga naka-duty na pulis.
“We appeal to all to observe health protocols for the sake of everyone’s safety against the contagion,” saad ni Cascolan.
Inatasan naman ang PNP Headquarters Support Service na ipatupad ang naturang panuntunan.
Matatandaang nagpatupad ng mandatory na pagsusuot ng face shield ang gobyerno sa mga pampublikong sasakyan maging sa mga opisina, kasunod ng mga naging pahayag na epektibo ang face shield bilang dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY