Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo na pinalawig ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang no-disconnection policy hanggang sa January 31, 2021.
Sa statement na inilabas ni Velasco ngayong araw ng Linggo, nakasaad na ang nasabing hakbang ay upang panatilihin muna ang “bayanihan” spirit sa gitna ng nagpapatuloy na coronavirus pandemic.
Ayon kay House Speaker Velasco, sa pamamagitan ng aprubadong disconnection activities suspension ay makakatulong ito sa Meralco consumers na mabawasan ang paghihirap sa pandemya at kalamidad lalo’t panahon din ng Kapaskuhan.
“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities,” ani Velasco.
“This good gesture on the part of Meralco will go a long way in helping our kababayans feel secure this Christmas.”
Nitong November 30 nang sumulat si Speaker Velasco kay Meralco president Ray Espinosa upang hilingan ang naturang extension ng no-disconnection policy sa buong Christmas season at nitong December 14 nang sang-ayunan ang request matapos ang mabusising “evaluation and in consideration.”
Una rito, hanggang sa darating na December 31 na lang dapat ang no-disconnection policy ng Meralco partikular para sa mga unpaid bills.
Nabatid na ang Meralco ang itinuturing na pinakamalaking power distributor sa bansa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA