Nakaraos na po ba tayo sa sandamakmak na bayarin na naipon habang tayong lahat ay nasa quaratine?
Noong nag-lockdown o sumailalim sa ECQ ang kalakhang Maynila, mga Cabalen, hindi nakapagmeter reading ang mga kawani ng MERALCO. ang halos tatlong buwan na ating pananatili sa bahay ay malaking dagok para sa ating mga middle class employees.
Dahil walang trabaho , walang kita. Walang bills na dumating sapagkat ipinatigil ni Pangulong Duterte ang paniningil sa lahat ng bayarin gaya ng kuryente, tubig, mga upa sa bahay at opisina. Ipinatigil din niya ang paninigil ng pautang ng mga bangko.
Ang resulta, matapos ideklara ang GCQ , lumuwag ang at untiu-unting bumalik ang ilang kumpanya, dumating ang bangungot . Sabay -sabay na dumating ang mga bayarin na naipon sa loob ng tatlong buwan.
Halos ikamatay ng mga pobreng consumers ang mga natanggap na bayarin. Ang babayaran sa Meralco napakataas, hindi maisip kung paano nila na-konsumo ang napakataas na babayaran sa kuryente. Marami ang nagrereklamo hanggang sa ngayon mga Cabalen. Panay pa ang dating ng iba panga bayarin.
Ginawa ng Meralco ang kanilang makakaya upamng ipaliwanag sa kanilang cutomers kung saan nanggaling ang konsumong halos triple ng kanilang palagiamng konsumo.
Sa kabila ng hirap at kawalan ng pag-asa ng ating mga mamamayan, walang magawa kundi ang magbayad ng installment na inilatag ng pamunuan ng Meralco.
Pilit ngayong iginagapang ng ating mga kababayan ang libo-libong halaga ng bayarin. Marami sa ating mga middle class employees at lower class ay wala pang mapagkunan dahil bago pa lamang nagbukas ang kumpanya at ang iba naman ay tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay.
Nagbigay ng pampalubag loob ang Meralco, ang pangako na hindi tayo tatanggalan ng kuryente. Sapagkat pinalawig nila ang “no disconnection period hanggang Setyembre 30,2020.
Resulta daw ito ng isinagawang pagdinig ng House Committee on Energy sa pamumuno ni House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco. Dito, ipinangako ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na walang mapuputulan ng kuryente mga Cabalen ko.
Magandang hakbang ito upang mabigyan ang mga kababayan nating makabangon muna, makapaghanapbuhay at makaipon ng pambayad. Sa gayun, pagdating ng mga bayarin ay mababayaran nila ang kanilang mga obligasyon.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!