
HINDI makatao at ilegal para sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress ang ipinatutupad ng ilang employers na “no bakuna, no salary” scheme sa kanilang kompanya.
Ayon kay ALU-TUCP na si Alan Tanjusay, dapat magsagawa ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment sa mga kompanya upang matiyak na natatanggap ng mga hindi bakunadong manggagawa ang kanilang sahod
Samantala, nilinaw ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagbabakuna laban sa CoVid-19 ay hindi mandatory para lamang makuha ng mga manggagawa ang kanilang sahod.
Ayon sa Vergeire, walang batas na nag-uutos na ipatupad ang ang “no vaccine, no salary” policy
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na