Tinututulan ng tatlong senador ang panawagang magpatupad ng mandatory vaccination laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakikitang paraan ng gobyerno upang mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.
Kabilang sa tumututol sa nasabing usapin sina Senator Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, at Senate President Tito Sotto.
Nitong Linggo, iminungkahi ng Department of The Interior and Local Government (DILG) na tanggalan ng insentibo ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumatanggi pa ring magpaturok laban sa COVID-19.
Gayunman, iginiit ni Pangilinan na dapat na ipatupad ang programa nang walang kondisyon sa mga pamilyang benepisyaryo nito.
“Ayaw ba ng mga tao magpabakuna? Parang ang isyu ng mababang vaccination rate ay availability ng bakuna at tiwala ng mga tao sa brand ng bakuna. Getting vaccinated is a personal decision. Ang dapat gawin ng gobyerno ay kumbinsihin ang mga taong piliin ang magpabakuna,” aniya.
“Incentivize, not penalize. Hindi dapat pinagkakait ang ayuda. Hindi solusyon ang alisan ng pangkain ang tao,” giit nito.
Paliwanag naman ni Hontiveros, wala sa batas ng “4Ps” na nagsasabing dapat munang magpabakuna ang mga benepisyaryo bago sila bigyan ng benepisyo. Panawagan naman ni Sotto, dapat na magpatupad ng tamang information program sa halip na iutos ang puwersahang pagbabakuna katulad ng sa kaso ng Las Piñas at Quezon City kung saan nagtatagumpay ang vaccination campaign ng mga ito.
More Stories
PBBM nireorganisa NSC… VP SARA, MGA DATING PANGULO OUT!
POC busy na para sa 1st Winter Olympics Harbin Games – Tolentino
Iwas pila… NAVOTAS ISINUSULONG ANG ONLINE BUSINESS PERMITS