
ISABELA – Walang ligtas ang mga salarin sa kamay ng batas! Sa bisa ng pinaigting na kampanya ng NCRPO sa ilalim ng “Triple A” policing ni PMGEN Anthony A. Aberin, bumagsak ang No. 8 Top Most Wanted ng Pasig Police dahil sa kasong sexual assault!
Kinilala ang suspek sa alyas “Bob”, 55 anyos, magsasaka, at residente ng East Rembo, Taguig City. Naaresto ito bandang 12:15 ng tanghali, Abril 22, sa Sitio Mananao, District 1, San Manuel, Isabela, sa bisa ng warrant of arrest mula sa Family Court Branch 12 ng Pasig.
May rekomendadong piyansang P200,000 si “Bob” para sa kasong paglabag sa Article 266-A (2) kaugnay ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Hindi na nakaeskapo! Mabilis ang naging kilos ng Team Pasig Elite sa pangunguna ni PCOL Hendrix B. Mangaldan at PMAJ Diogenes C. Gaoaen, katuwang ang iba pang yunit ng PNP.
“Isang hakbang na naman ito tungo sa hustisya!” pahayag ni PCOL Mangaldan, habang pinupuri ang matagumpay na operasyon ng kanyang mga tauhan.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms