IBINALIBAG sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 7 top most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalaqa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong akusado bilang si alyas “Beejay”, 41, construction worker, residente ng Brgy., Tugatog at nakatala naman bilang No. 8 Top MWP ng Malabon City.
Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Jo-Ivan Balberona na nakita ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.
Kaagad bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni PCMS Edwin Castilo,kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:35 ng hapon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog.
Ayon may Maj. Balberona, pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Malabon City Regional Trial Court, Branch 170 Presiding Judge Zaldy Balagat Docena noong December 7, 2023 para sa paglabag sa B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) in Rel. to COMELEC Reso. No. 10918 Sec. 261(Q ) at Sec. 28(A) in Rel. to Sec. 28(E) of R.A. 10591.
Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM