December 25, 2024

No. 5 most wanted person ng Valenzuela, arestado sa Laguna

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang binata na nakatala bilang No. 5 most wanted sa Valenzuela City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Chirre Gard David alyas Jay R Roxas David, 20 ng No. 18 216 Phase 7 NHV, Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensiya ng akusado sa Cabuyao, Laguna.

Kaagad bumuo ng team ang WSS sa pangunguna ni P/Lt Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong ala-1:20 ng hapon sa kahabaan ng Pulo Diezmo Road, Cabuyao, Laguna.

Ang akusado na nakatala naman bilang No. 10 MWP ng NPD ay pinosasan ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court, Branch 16, Valenzuela City noong August 17, 2023, para sa kasong Statutory Rape.

Ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Costudial Facility Unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabs ng commitment order ng korte