June 13, 2025

No. 4 regional top most wanted person, huli sa Caloocan

NASAKOTE ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang lalaki na nakatala bilang No. 4 Regional top most wanted sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat ni NPD Public Information Office chief P/Capt. Marcelina Pino, nakatanggap ng impormasyon ang District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD hinggil sa kinaroroonan ng 43-anyos na akusado na nakatala din bilang District at Station No. 2 TTMWP.

Katuwang ang mga tauhan ng WSS-CCPS, NDIT RIU-NCR at PS4 Novaliches Police Station, ikinasa ng mga tauhan ni DSOU chief P/Lt. Col. Alain Terence Licdan ang joint operation na nagresulta sa pagkakaarestosa akusado dakong alas-9:40 ng gabi sa Brgy. 176.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 129, noong March 4, 2025 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.