BUMAGSAK na sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na listed bilang No. 2 most wanted sa Garchitorena, Camarines Sur matapos malambat sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Valenzuela police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, dahil sa masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na kinilala bilang si Joerem Vargas, 24.
Ayon kay PLt Ronald Bautista, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan umano ng akusado sa isang construction site sa D. Bonifacio St., Barangay Canumay East.
Kaagad nagsagawa ng joint munhant operation ang mga operatiba ng WSS, Station Intelligence Section (SIS), at Garchitorena Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto kay Vargas sa nasabing lugar dakong alas-2 ng hapon.
Ani PLt Bautista, si Vargas ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Calabanga, Camarines Sur Regional Trial Court Branch 63 noong March 3, 2021 para sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang panasamantalang kalayaan.
“We vow to continue our intensified campaign against crime and wanted persons, we have been maximizing our efforts to put them behind the bars,” pahayag ni Col. Destura.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA