BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na listed bilang No. 1 top most wanted person ng Mandaue City, Cebu matapos maaresto sa kanyang pinagtataguan lugar sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Nathaniel Timtim, 36, ng Area 4, Dump Site Dulo, Pinalagad, Brgy. Malinta, Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) na nagtatago sa Pinalagad, Brgy. Malinta ang akusado.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang SIS sa pangunguna ni PCpt Ronald Sanchez, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS), Mandaue City Police Office at CIDMU (PRO7) ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Timtim sa Area 4, Dump Site Dulo, Pinalagad, Brgy. Malinta dakong alas-9:00 ng umaga.
Ani PCpt Sanchez, hindi na pumalag ang suspek nang isilbi nila sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 86, Mandaue City, Cebu noong May 17, 2022, para sa paglabag sa Sec. 11, Art. II of R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 – Possession of Dangerous Drugs.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas