NAGWAKAS na ang pagtatago ng 26-anyos na lalaki na listed bilang top 1 most wanted person ng Valenzuela City matapos mabitag ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan lugar sa Barangay Poblacion Tabuc, munisipalidad ng Maayon, sa probinsya ng Capiz.
Pinuri ni P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, acting Director ng Northern Police District (NPD) ang Valenzuela police sa ilalim ng pamumuno ni Col. Salvador Destura, Jr sa pagkakaaresto akusado bilang si Justine Asigan, alyas “Arnel” ng Maayon, Capiz.
Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng impormasyon ang Valenzuela Police Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa pinagtataguang lugar ni Asigan sa probinsya ng Capiz.
Bumuo ng team ang SIS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Marissa Arellano saka nagsagawa ng joint manhunt operation kasama ang mga tauhan ng Maayon Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto kay Asigan.
Ani Major Arellano, si Asigan ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong July 29, 2022 ni Judge Mateo Altarejos ng Valenzuela City Family Court Branch 16 para sa kasong two counts of Statutory Rape kung saan walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA