OPISYAL nang binuksan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang private operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang centralized hub para sa ride-hailing services at metered taxis sa NAIA Terminal 3, na siyang busiest terminal sa NAIA.
“NAIA Terminal 3 now has a fully-operational centralized transport network vehicle service (TNVS) hub for easier and more convenient access to ride-hailing services,” ayon kay NNIC General Manager Lito Alvarez.
Dagdag pa nito, nagkaroon ng soft launch ang transport network vehicle service (TNVS) hub noong Disyembre 5, 2024, at naging fully operational ngayong Disyembre 8, 2024, bago ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.
Ang Grab Philippines ay ang unang nag-operate ng TNVS hub sa NAIA Terminal 3, na nagbigay ng serbisyo sa mga pasahero mula pa pa noong nakaraang soft launch.
Matatagpuan ang central hub sa multi-level parking building ng Terminal 3. Mayroon itong 401 parking slots, 180 loading bays, lanes para sa TNVS, at maraming entry at exit points upang masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.
“With a centralized hub and diverse transportation options, we are bringing more order and efficiency to the airport. This is part of our commitment to making travel smoother and stress-free for every passenger,” ayon kay Alvarez.
Magsisimula naman ang operasyon ng JoyRide sa Disyembre 10, at maging ang Angkas. ARSENIO TAN
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI