
Humingi ng pagdarasal ang actor na si Nio Muhlach dahil sa nangyayari sa kaniyang pamilya.
Kasunod ito sa pagsampa ng kaso sa National Bureau of Investigation ng anak nitong si Sandro laban sa dalawang independent entertainment contractor ng isang TV Network.
Sa social media account ng actor ay idinetalye nito ang mga pinagdaraanan at humihingi siya ng hustisya sa ginawa sa kaniyang anak.
Pinasalamatan din nito ang mga sumuporta at nagbigay ng kanilang pagdarasal para sa kaniyang anak.
Magugunitang naghain ng reklamong sexual molestation sa NBI ang anak ng actor na si Sandro laban sa mga umanoy suspek na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante