November 20, 2024

NINJA” REMOVAL SA TAYTAY LANDMARK, BINATIKOS



MATAPOS baklasin ang obra ng tanyag na pintor na si Ka Gody Zapanta na nakalagay sa munisipyo, marami naman ang tumaas ang kilay sa estilong “ninja” na pagbabaklas sa pulang marker ng Taytay.

Ang Taytay landmark ay nagsisilbing palatandaan ng mga biyaherong mamimili na dumarayo sa Taytay Tiangge.

Binaklas ang naturang marker ng mga tauhan ng bagong administrasyon ni Mayor Allan de Leon.

Walang anunsyo o paliwanag mula sa kampo ng bagong alkalde patungkol sa isyung ito.

Pero ayon sa nakalap na impormasyon ng Agila ng Bayan, lalagyan ng fountain ang kinalalagyan ng tinanggal na landmark ng Taytay.

Kaya hindi maiwasang magtanong ang Taytayeño kung politically motivated ba ito o lehitimong proyekto.