
”I always thought that we were but maybe I was deceived.”
Ito ang naging reaksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya itinuturing na kaibigan.
Aminado si Marcos na bahagya siyang nadismaya sa naging statement ng Vice President.
“I don’t know anymore. I’m not quite sure I understand. I’m a little dismayed to hear that she doesn’t think that we are friends,” aniya.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi niya naging kaibigan si Marcos, kahit naging running mate niya ang Pangulo noong Eleksyon 2022.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte na malapit siya sa kapatid ng Pangulo na si Senador Imee Marcos.
More Stories
DEATH TOLL SA MYANMAR QUAKE, UMABOT NA SA 2,056
1,057 PDLs laya na – BuCor
Mabilis na pagpapauwi sa 29 Indonesian nationals na nasagip sa POGO operations pinuri ni Gatchalian